(Kidapawan City/ September 19, 2013) ---Arestado
ang apat katao sa magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad kontra illegal na
droga sa lalawigan ng North Cotabato.
Nitong Martes, unang inaresto ang isang lalaki
matapos na mahuling nagpapataya ng last-two sa Dayao Street Kidapawan.
Kinilala ang suspek na si George Bautista
,19, residente ng Barangay Lanao, Kidapawan City.
Nahuli ang suspek sa saturation drive na
isinagawa ng Kidapawan City PNP.
Nakuha mula kay Bautista ang ilang illegal
gambling paraphernalia gaya ng tally sheets, mga resibo at isang libong pisong
bet money.
Kasalukuyang nakakulong sa Kidapawan City
PNP lock-up cell ang suspek na si Bautista.
Samantala, arestado naman ang tatlo katao
matapos na mahulihan ng suspected marijuana leaves sa isinagawang highway inspection
ng Pikit PNP sa Poblacion, Pikit, North Cotabato.
Kinilala ang mga suspek na sina Bejeil Ali
Emperado, driver ng motorsiklo at ang dalawang angkas nito na sina Mojaliden Abdul, 19-anyos at isang menor de
edad na lalaki.
Ayon sa report, na-intercept ang tatlo
matapos na mabigo ang mga itong magpakita ng official receipt at certificate of
registration ng kanilang dalang motorsiklo.
Sa ginawang interogasyon, isinuko ni
Emperado sa PNP ang isang plastic bag na may lamang suspected marijuana leaves
na nakabalot sa papel.
Sa ngayon, nasa
kustodiya ng Pikit PNP ang mga suspek maging ang dala nilang motorsiklo. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento