(Kabacan, North Cotabato/ June 24, 2013) ---Binulabog ng
malakas na pagsabog ng Improvised Explosive Device o IED ang bayan ng Kabacan
alas 7:35 nitong gabi ng Sabado.
Sa panayam ng DXVL News kay Supt. Leo Ajero, hepe ng
Kabacan PNP na isang 81mm ang sumabog malapit sa Laira Marketing na nasa
National Highway, Poblacion ng bayang ito.
Sinabi ni Ajero na itinanim ang nasabing IED sa drainage
papasok ng Sinamar 2 ng mga di pa nakilalang mga salarin.
Nagresulta sa pagkabitak ng kanal at pagkasira ng ilang
paninda ng nasabing establisiemento ang nangyaring pagsabog.
Una ng napaulat kahapon na may sugatan sa nangyaring
insedente, pero itinanggi ni Ajero.
Sa hiwalay na panayam ng DXVL News sa mga staff ng USM
Hospital, may dinala na biktima noong Sabado ng gabi sa naturang pagsabog, pero
agad naman umanong inilipat sa Cotabato city ang nasabing biktima na di nabatid
ang pagkakakilanlan, ayon sa mga staff ng USM Hospital.
Sa ngayon inaalam pa ng Kabacan PNP kung may natatanggap
na extortion letter ang Laira Marketing habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Ilang beses na ring nalusutan ng mga masasamang loob ang
mga kapulisan sa kabila ng may mga CCCTV at mga police box sa mga pangunahing
kalye ng Kabacan, pero sa mga nangyaring pagsabog tila hanggang imbestigasyon
lamang ang PNP at wala pang mga nahuling salarin, ayon sa report. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento