(Kabacan, North Cotabato/ June 26, 2013) ---Mangiyak-ngiyak
na dumulog sa Kabacan PNP ang isang 19-anyos na BSHRM student ng USM makaraang
sinampal ng kanyang nobyo sa mismong boarding House sa Matalam St., Poblacion,
Kabacan ala 1:00 kahapon.
Sa report na nakuha ng DXVL News sa Women’s
Children and Protection Desk o WCPD sa Kabacan PNP, maliban sa sinampal ang
dalaga ay sinira at kinuha pa ng kanyang boyfriend ang Samsung cellphone nito.
Ang nasabing dalaga ay sinamahan ng kanyang
apat na kaklase na nagreklamo sa PNP matapos na pagbantaan umano ng ang
kanilang kaibigan ng kanyang kasintahan.
Bukod dito, sinabihan pa umano ng lalaki ng
mga magagaspang na salita o “bad words” ang girlfriend nito sa kainitan ng
kanilang pag-aaway.
Aminado ang dalaga na nagseselos ang
boyfriend niya dahilan kung bakit ito nagawa sa kanya. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento