(Amas, Kidapawan City/ June 26, 2013) ---Gaganapin
bukas ang Provincial Launching ng National Year of Rice dito sa lalawigan ng
Cotabato.
Isasagawa ang nasabing aktibidad sa Pavilion,
Amas, Kidapawan City.
Ayon sa report ni Provincial Agriculturist
News Correspondent Ruel Villanueva, Ito ay may temang “An Advocacy for the
Attainment of Food Sufficiency – Sapat na Bigas, Kaya ng Pinas”.
Dadaluhan ng mga magsasaka na kasapi ng
Irrigator’s Association, municipal rice coordinators at mga Municipal at city
Agriculturist ang programa bukas.
Sa launching na ito inanyayahan ang mga
hybrid rice producing companies na kinabibilangan ng Philrice, Bioseed, Bayer,
Syngenta, Devgen, SL AgriTech at Pioneer.
Ito ay upang mai-feature nila ang mga bagong
hybrid rice varieties ba balak na gawan ng technodemo farm dito sa lalawigan
upang malaman ang production performance ng bawat hybrid variety at kung angkop
ang mga ito sa lalawigan.
Magiging panauhin sa NYR launching sina
Regional Executive Director Amalia Jayag Datukan ng DA RFO 12 at si Gov.
Emmylou “Lala” J. Taliño.
Magkakaroon din ng presentation ng rice
roadmap sa nasabing launching at raffle draw para sa mga magsasaka. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento