(Midsayap,
North cotabato/ June 24, 2013) ---Pangungunahan ng First Congressional District
Office ang pagsasagawa ng updating sa mga benepisyaryo ng PhilHealth sa ilalim
ng Handog Pangkalusugan Program sa unang distrito ng North Cotabato.
Ayon sa
sulat na ipinadala ng PhilHealth Regional Office 12 sa opisina ni Rep. Jesus
Sacdalan, kailangang kumpletuhin ng mga miyembro ang hinihinging impormasyon at
isulat ito sa PhilHealth Membership Registration Form o PMFRs.
Nabatid
na abot sa 310 PhilHealth members mula sa mga bayan ng Pigcawayan, Pikit,
Alamada, Libungan, Midsayap, Aleosan o PPALMA area ang dapat sumailalim sa
nasabing proseso.
Inihayag
ni First Congressional District Office Kalusugan Para sa Kapayapaan Program
Focal Person Dominador Aspacio na kailangang ma-dokumento ang kasalukuyang
impormasyon ng mga miyembro upang magtuloy- tuloy ang kanilang benepisyo
hanggang Disyembre ng taong ito.
Dagdag
ni Aspacio, importante ring matukoy ng miyembro ang list of dependents nito.
Sisimulan
ang updating ngayong araw at inaasahang matatapos sa susunod na buwan.
Ang
nakumpletong membership registration forms ay isusumite naman sa Local Health
Insurance Office sa Cotabato City.
Nabatid
na ang inisyatibong ito ay bilang pagsuporta sa health agenda ng
administrasyong Aquino na makamit ang universal health care sa bansa. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento