Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sari-sari store ni-ransacked, pera at ilan pang mga assorted goods natangay

(Kabacan, North Cotabato/ June 25, 2013) ---Nilooban ng mga di pa nakilalang mga salarin ang isang sari-sari store na nasa Matalam St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Sa report ng Kabacan PNP ang nasabing tindahan ay pag-mamay-ari ni Zaynab Ampatuan, NGO Worker at residente ng nabanggit na lugar.

Sa salaysay nito sa mga pulisya, posibleng nangyari ang insedente kaninang madaling araw matapos na magreport ito kaninang umaga sa PNP Kabacan.

Aniya, pwersahan umanong pinasok ng suspek ang kanilang tindahan at tinangay ang Cherry Mobile Loader nito at ang ilang mga assorted goods ng tindahan na nagkakahalaga ng abot sa P3,000.00.

Sa text message na ipinarating ng ilang concern citizen sa DXVL talamak na umano ang nakawan sa Poblacion pero anila sa kabila ng nasabing mga reports, tila wala lang sa mga opisyal ng brgy, wala din umano silang aksiyon na ginagawa.

Dagdag pa sa mensahe, dapat umanong makipag-ugnayan ang brgy sa PNP at magbuo ng tanod sa bawat purok para mahuli ang grupong responsible sa nasabing nakawan.

Sunod-sunod na rin umano ang nakaw at ilang mga krimen sa Kabacan pero sa nasabing report, tila hanggang imbestigasyon lamang ang mga otoridad. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento