Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 patay, 12 sugatan sa road accident sa M’lang, North Cotabato

PATAY on-the-spot ang mga binatang sina Ed Lucero Pacete, 26, at Filmar Tobias Mondejar, 18, kapwa taga-Barangay Dalipe, M’lang, nang bungguin ng rumaragasang truck ang sinasakyan nilang Lawin jeep habang nakaparada ito sa may M’lang-Matalam highway, kahapon ng umaga.
       
Ayon kay Insp. Cesar Caballero, deputy chief of police ng M’lang PNP, nagdi-diskarga ng mga pasahero ang Lawin jeep sa may highway ng M’lang, partikular sa may Purok-5, Barangay Tibao, nang mabundol ito ng truck na minamaneho ng isang Rogelio Cruda na taga-Calumpang, General Santos City.
       
Ang Isuzu forward truck na may plakang MBN 676 ay may kargang uling, samantalang kargado naman ng mga pasahero na patungong Matalam, North Cotabato , ang Lawin jeep na may plakang EBE 324.
       
Sugatan sa naturang aksidente sina Julie Pacete Lucero, 22, na mula sa Las Pinas, Metro Manila; Myrna dela Cruz, 30, ng Brgy Tibao, M’lang; Irene Pacete Lucero, 29; Maria Tobias Mondejar, 24; Armando Jubillar, 26, Upper Inas, M’lang; Nena Pacete, 50; John ChristianLucero, 8; Albert Lucero Russel; Alexa Lucero Russel, isang buwang sanggol; Jay Lucero Russel, 2 months old; Wilma Mandabon, 24, ng Davao Oriental; at Anabell Tumaob Andrake, ng Barangay Tibao, M’lang.
       
Nasa custody ngayon ng M’lang PNP ang driver ng truck habang inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting to double homicide and multiple injuries.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento