DXVL Staff
...
Lunes, Marso 28, 2011
No comments
DOH 12, may panawagan sa publiko hinggil sa programang “Iligtas ang Pinas sa Tigdas”
Nilalayon ng bansang Pilipinas na mawala ang sakit na tigdas sa buong kapuluan sa taong 2012. Ang tigdas ay sakit sa sanhi ng virus. Noong 2010, may 6,200 na kaso ng tigdas ang
naitala. Karamihan sa mga kaso ay mga batang wala pang 8 taong gulang at hindi nabakunahan.
Kaugnay nito, isinagawa kamakailan ang Media Seminar on Measles Immunization, Food, Medicine & Healthy Lifestyle sa VIP Hotel, Cagayan de Oro City.
Tatlumpu (30) sa mga kaso ang namatay. Kaya ngayong Abril 4- May 4, 2011, ay magkakaroon ng door-to-door na pagbabakuna laban sa tigdas para sa mga batang nabanggit.
Ang nasabing bakuna ay may dagdag ding proteksyon laban sa German Measles.
Pabakunanahan ang inyong mga anak laban sa tigdas. Abangan ang mga Vaccination Teams na kakatok sa inyong mga tahanan. Iligtas si baby sa tigas!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento