Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Culmination program ng women’s Month; isasagawa ngayong araw sa Kabacan, Cotabato

Sa pamamagitan ng fun run kaninang alas 4:30 ng medaling araw pormal na nagsimula ang culmination program ng women’s month celebration na pinangungunahan ng lahat ng mga LGU personnel ng Kabacan.

Ito ay bilang pakikiisa ng pamahalaang local ng Kabacan sa pantay pantay na karapatan ng bawat kababaihang Pilipino na pinangungunahan ng Philippine Commission on women at sa pakikipagtulungan ng National government Agency at ng civil society.

Nakasentro ang taunang selebrasyon sa tema na: “Magna Carta of Women, Philippine CEDAW: In support of the Millennium Development Goals (MDGs).”

Ito ay nakabatay na rin sa proclamation nos. 224 at 227 ng Republic Act 6949 na pagdedeklara ng ang buwan ng Marso ay National women’s Month.

Kabilang sa gagawing aktibidad ngayong umaga ay ang taebo na lalahukan ng mga personnel ng LGU-Kabacan sa USM gymnasium.

Samantala magiging tagapagsalita naman sa nasabing programa si Atty. Raisa Jajurie, executive director ng Saligan & Program coordinator ng CHAMPS.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento