Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Panukalang “no permit, no Exam policy” inalmahan ng Pangulo ng USM

Para kay USM President Jesus Antonio Derije mas maiging pag-uusapan muna ng mga state Universities and Colleges ang nasabing panukalang “no permit, no exam policy” dahil kagaya ng USM kahit paman may “No exam, No Permit” policy ang USM marami pa rin anya ang hindi nakabayad ng kanilang tuition fees.

Ito ang ginawang paglilinaw ng pangulo sa kanyang programang USM Ngayon at Bukas sa DXVL FM matapos ang balitang naka-ambang na mahaharap sa kasong civil ang sinumang eskuwelahan na mapapatunayang nagpapatupad ng ‘no-permit, no-exam’ policy sa final examinations ng mga estudyante.

Ang babala ay ginawa ni Kabataan partylist Rep. Raymond ‘Mong’ Palatino at Commission on Higher Education (CHED) executive director Julito Vitriolo sa mga eskuwelahang mapapatunayang nagpapatupad ng nasabing polisiya.

Maliban pa rito ay haharangin din aniya ng CHED ang ihahaing anumang pagtaas sa matrikula ng mga eskuwelahan kung magpapatuloy na magmamatigas sa ‘no-permit, no-exam’.

Ayon naman sa Pangulo may batas na sinusunod ang USM na nakasaad sa USM Code na bagay na dapat repasuhin sakaling ipatupad ang bagong panukala.

Giit pa ni Pres. Derije na malaki pa rin ang collectibles ng USM kahit pa nga pa No Permit no Exam Policy ang pamantasan, abot sa P 4M ang collectibles ng USM mula SY 2010-2011

0 comments:

Mag-post ng isang Komento