Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

“Kapit sa Patalim at little ignorance”, ang dahilan kung bakit nahatulan ang 3 Pinoy sa China –ayon sa isang mataas na opisyal ng Gabriela Partylist

Para kay Gabriela Partylist Representative Hon. Luzviminda Ilagan, kapit sa patalim at napilitan lamang umano ang tatlong Pinoy na gawin ang naturang hakbang dahil sa malaki ang halagang ini-offer sa kanila kung kaya’t nahatulan ng kamatayan sa China ang tatlo bago magtanghali kanina matapos masangkot sa drug trafficking.

Dagdag pa ng opisyal na hindi umano nila naintindihan ang magiging bunga ng kanilang ginagawa kung kaya’t iginigiit ng opisyal na ang kawalan ng kaalaman ang isa sa mga dahilan kung bakit nasadlak ang tatlok sa parusang kamatayan.

Ito ang ginawang pagpapaliwanag ng opisyal sa isang punong pambalitaan na isinagawa kaninang umaga sa Cotabato Provincial Capitol matapos na naging pangunahing tagapagsalita ito sa Culmination Program ng Women’s Month at ng 1st Provincial Women Leaders Summit.

Kaugnay nito, bahagyang binatikos rin ni Ilagan si Pangulong Noynoy Aquino III dahil sa kawalan nito ng aksyon para kausapin mismo ang gobyerno ng tsina. Hindi rin napigilang ikumpara ng mambabatas ang nasabing sitwasyon sa Flor Contemplacion Story.

Sinabi pa nito na may mahigit sa 600 cases na kahalintulad na kaso ang naghihintay na hindi pa tuluyang na aaksyunan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento