Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...


SP Cotabato wala pa ring posisyon patungkol sa planong field trial ng BT talong sa North Cotabato

MAG-A-ANIM na buwan na ngayon matapos hilingin ng mga environmentalist group sa Sangguniang Panlalawigan ng North Cotabato na ‘wag payagan ang plano’ng field trial ng Bacillus thuringensis o Bt talong sa bayan ng Kabacan.

Pero natapos na lang ang public hearing ng Committee on Agriculture ng SP Cotabato patungkol sa isyu, hanggang sa ngayon, ‘di pa rin naglalabas ng posisyon ang naturang komitiba na pinamumunuan ni Cotabato 1st district Board Member Vicente Suropia.
                        
May ugung-ugong na lumalabas na pinayagan na ng komitiba ni Suropia ang field trial pero hanggang  sa ngayon, ayaw pa rin ito’ng kumpirmahin ng mga local legislators.
            
Kung inyong matatandaan, noon pang nakaraang Setyembre hiniling ng Citizens Food Watch sa Sanggunian na magkaroon ng malawakang public hearing patungkol sa plano ng mga researchers mula sa University of the Philippines Los Banos na gawin ang multi-area testing ng genetically-modified talong.
            
Isa ang University of Southern Mindanao sa Kabacan sa pitong field sites na na-identify ng naturang mga researchers.
            
Sa mga nakalipas na public hearing, matibay pa rin ang pagtutol rito ng Citizens Food Watch, Integrated Rural Development Foundation, at iba pang mga NGOs sa North Cotabato.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento