Chair Committee on Gender & Development ng Probinsiya, wala pang tinutumbok kung pabor o hindi sa RH Bill
Aminado si Cotabato Board Member Airene Claire “Aying” Pagal, chairperson ng committee on Gender and Development, Family Affairs & Social Welfare ng Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato na ngayon pa lamang ito naliwanagan sa usapin ng RH bill.
Ito ang ginawang paglilinaw ng opisyal matapos tanungin kung anu ang stand nito sa nasabing isyu.
Maging siya mismo ay hindi pa umano niya nabasa ng maayos ang nasabing panukala, dahilan kung bakit hindi ito makapagbigay ng kanyang stand kung pro ba ito o anti.
Tiniyak din ni Pagal na busisiin muna nito ang nasabing panukala kung hanggang saan ang saklaw ng RH bill bago siya magbigay ng kanyang kumento.
Iginiit ng babaeng mambabatas na gumagawa naman ng hakbang ang provincial government ng cotabato para mai-appropriate ang lahat ng pondo ng probinsiya.
Ito ang naging tugon nito matapos tanungin na hindi ang lumulubong populasyon ang dahilan ng kahirapan sa bansa kundi ang hindi tamang distribution at alokasyon ng pondo.
Kinatigan rin ito ni Gabriela Representative Luz Ilagan dahil para sa kanyan ang malaking populasyon ay may malaking impact para sa mga mahihirap.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento