Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Naiwanang uling sa kalan sanhi umano ng sunog sa isang Simbahan sa Sinamar 2, Kabacan

Tinatayang abot sa mahigit kumulang sa limampung libo ang danyos sa isang sunog na nangyari sa Kabacan Baptist Church dakong ala una ng madaling araw noong Sabado sa Sinamar 2, Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Ayon kay Sir Nonoy Bello, may ari ng nasabing compound posibleng kalan sa uling ang sanhi ng nangyaring sunog na nagtupok sa buong gusali ng nasabing simbahan.

Maswerte namang hindi nadamay ang kanilang bahay sa likurang bahagi ng compound dahil na rin sa tulong ng mga kapit bahay sa lugar at ng mga kagawad ng pamatay apoy na mabilis namang rumisponde.

Mabilis na lumiyab ang apoy dahil karamihan ay gawa sa light materials ang nasabing gusali dahilan kung bakit lahat ng mga gamit sa simbahan ay naabo.

Agad namang nagtulong-tulong ang mga kapitbahay para maapula ang nasabing sunog, karamihan sa mga tumulong ay mga boarder’s ng Magallon boarding house na katabi lamang ng nasabing simbahan at iba pang mga kapitbahay.

Agad namang rumesponde ang mga kagawad ng pamatay apoy sa pangunguna ni Kabacan Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon.

Wala namang may naiulat na nasugatan o nasawi maliban na lamang sa isang aso na na litson.

Sa ngayon mahigpit pa ring nagpaalala ang pamunuan ng BFP na maging alerto sa anumang oras at agad na ireport kung may mga kahalintulad na pangyayari hindi lamang ngayong buwan ng selebrasyon ng Fire Prevention Month kundi sa anumang panahon.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento