Karamihan ng residente sa P-PALMA nakiisa sa Earth Hour
Masaya ang pamunuan ng Maguindanao Electric Cooperative ng Pikit-Pigcawayan-Aleosan- Libungan-Midsayap-Alamada (MAGELCO-P-PALMA) ng Cotabato Province sa ipinamalas na pakikiisa ng mga mamamayan sa pag-obserba ng Earth Hour noong Sabado, March 26.
Ayon kay P-PALMA Area Manager Engr. Marino Gornez, ang pakikiisa ng mga mamamayan ng mga bayan ng Pikit, Pigcawayan, Aleosan, Libungan, Midsayapa at Alamada sa isang
oras na pagpatay ng mga ilaw ay palatandaan ng pagkakamulat sa importansya ng sama-samang pagkilos para pangalagaan ang kalikasan at labanan ang climate change.
Sinabi ni Gornez na ang lahat ng electric cooperative at power distribution utilities ay may kaukulang abiso para sa pagpapatupad ng pagpatay ng kuryente sa loob ng isang orasbilang ambag sa kampanya ng gobyerno para sa pangangalaga ng kalikasan.
Sinabi ni Gornez na hindi pinag-uusapan ang mahigit P250,000 na nawala sa kanilang electric cooperative sa isang oras na pagpatay ng kuryente dahil sa kahalagahan ng adhikaing mapangalagaan ang kapaligiran at pagmamahal sa kalikasan.
Hiniling ni Gornez ang patuloy na suporta at kooperasyon ng mga mamamayan ng P-PALMA kasabay ng pagtiyak ng mas maayos na serbisyo ng kuryente ng electric cooperative sa member-consumers nito.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento