2 mga mountain climbers na sugatan na-rescue sa Mount Apo
AGAD nakaakyat sa Mount Apo ang mga miyembro ng Kidapawan City Emergency Response Unit at ng Red Cross 143 para i-rescue ang dalawang mga mountain climbers na nasugatan habang paakyat ng tuktok ng Mount Apo, kahapon.
Kinilala ni Bryan Balmediano ng Philippine Red Cross Kidapawan sub-chapter ang mga na-rescue nilang climbers na sina Michael Isidro, 22, ng General Santos City; at Daryl Engay, 26, ng Davao City.
Ang dalawa ay kapwa nagkaroon ng sprained ankle kaya’t hirap ang mga ito sa paglalakad.
Ayon kay Balmediano, bandang alas-10 ng umaga, tumawag sa radio ang mga KidCeru members sa Barangay Ilomavis sa PRC Kidapawan at sa Tourism Office ng Kidapawan City para ipagbigay-alam sa mga ito ang sinapit ng dalawang mga mountain climbers.
Walang inaksayang oras ang mga rescue volunteers kaya’t agad nailigtas at maayos na naibaba sa patag ang mga biktima.
SAMANTALA, simula pa kahapon ang clean-up drive at trail rehabilitation sa Mount Apo para ihanda ang bundok sa Summer Climb ngayong Abril.
Pero habang ginagawa ito, marami-rami nang mga mountain climbers ang umakyat ng tuktok ng bundok para samantalahin ang mahaba-habang bakasyon.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento