Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang mga residente sa Kabacan, nagsilikas na dahil sa mga pagbaha


(Kabacan, North Cotabato/ December 6, 2012) ---Nagsilikas na ang ilang mga residente sa Sitio Lumayong at Malaabuaya lahat mula sa brgy Kayaga dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig baha bukod pa sa mga brgy ng Simone, Pedtad, Salapungan at Aringay, simula pa kagabi. 
                                   
Umaabot na rin sa beywang ang tubig baha sa ilang mga nabanggit na brgy.   Maging ang mga palay, mais at ilan pang mga pananim sa brgy Salapungan ay lubog na rin sa tubig baha.  
                                                                                         
Kaugnay nito, sinabi ni MSWD Officer Susan Macalipat na naghahanda na sila para mamigay ng tulong na relief goods sa mga nasalantang pamilya. 
                           
Naireport din ang pagback flow ng tubig baha buhat sa Pulangi river at Liguasan Marsh sa mga brgy ng Magatos, Kilagasan, Lower Paatan, Cuyapon at Aringay.(Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento