Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Field Day and Graduation ng mga magsasakang sumailalim sa Farmers Field School on Organic Vegetable; isasagawa ngayong araw


(Kabacan, North Cotabato/ December 4, 2012) ---Abot sa mahigit sa 30 na mga magsasakang sumailalim sa Farmers Field School on Organic Vegetables ang magtatapos ngayong araw na isasagawa sa Purok Tagumpay, Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato alas 7:00 ngayong umaga.

Ang nasabing programa ay sa ilalim ng Municipal Agriculture Office ng Kabacan na pinamumunuan ni Municipal Agriculturist Sasong Pakkal kungsaan magiging panauhing pandangal sa nasabing pagtatapos si ATI XII Regional Director Abdul Daya-an.

Dadaluhan naman ni Hon. Jonathan Tabara, ang may hawak ng Committee on Agriculture sa Sangguniang bayan ng Kabacan.

Kaugnay nito, may isasagawa naman Farm walk ang mga bisita at partisipante ng nasabing  Farmers field School.

Ang nasabing programa ng DA ay para matulungan ang mga magsasaka kung papaanu pa nila mapapalago ang kanilang gulayan. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento