Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Display ng mga handicraft na gawa ng mga Moro Women sa Kabacan; ibinida sa 34th CAS day


(USM, Kabacan, North Cotabato/ December 7, 2012) ---Isinasagawa ngayon ang ika-34th College of Arts and Sciences day sa University of Southern Mindanao sa University gymnasium. 
                                                   
Pangungunahan ni CAS Dean Dr. Evangeline Tangonan ang programa kungsaan magiging pangunahing tagapagsalita si Executive Director for Moro People’s Community Organization for Reform and Empowerment Zaynab Ampatuan.   
                            
Kaugnay nito, magdidisplay din ng mga handicrafts ang mga grupo ni Zaynab ng mga gawa ng moro womens organization sa ilalim ng programa ng morocore litnum learners mula sa mga brgy ng Pisan, Cuyapon, Aringay at Lumayong.    
                                  
Ang mga ibibidang mga products ay gawa sa mga katutubong materials kagaya ng pandan leaves, silal, balabak na gawang banig, bags, pencil case, garland, cursage, laptop case, bayong, organizer, pamaypay at magsasagawa sila ng actual making ng nasabing produkto.    
                                                                                                                      
Ang tema ng CAS day ngayong taon ay nakatuon sa “Peace in my Family, harmony in my neighborhood”. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento