Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cash for Work Program sa isang brgy sa Kabacan, nirereklamo!


(Kabacan, North Cotabato/ December 4, 2012) ---Nirereklamo ngayon ng isang brgy. kagawad ang diumano’y di tamang pagbibigay ng number of work at transaksiyon sa Cash for Work Program ng gobyerno sa ilalim ng programa ng Department of Social Welfare and Development Office.

Ito ayon kay Brgy. Kayaga Kagawad Mustapha Landasan kungsaan dapat sana ay labin limang araw ang tatrabahuin ng mga beneficiaries sa Sitio Malabuaya, pero ang ilan sa kanila ay tig-dalawa o tatlong araw lamang ang ibinigay na trabaho ng MSWDO, na bagay namang di sinang-ayunan ng opisyal.

Aniya, hindi buong 15 days ang tatanggapin na sahod ng ilang mga beneficiaries taliwas naman sa nakalagay sa kontrata.

Paliwanag naman ng pamunuan ng MSWDO sa pamamagitan ni Kabacan MSWD Officer Susan Macalipat, na mas marami ang mga taong nagtrabaho kaysa sa mga intended beneficiaries ng program.

Batay sa record ng MSWD 700 ang kabuuang benepisyaryo ng Cash for Work sa nabanggit na lugar, pero abot sa higit sa isang libu ang nagtrabaho, kaya hindi na umabot ng 15 days ang trabaho ng mga ito para lang mabigyan din ang ilan pang mga benepisyaryo.

Para kay kagawad Landasan, isang maanomalya umano ang nasabing hakbang pero iginiit naman ng pamunuan ng MSWDO na pwede naman na magkakaroon ng internal agreement sa pagitan ng beneficiaries at sa brgy matapos ang isinagawang meeting ng mga ito na suportado naman ng Sangguniang bayan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento