Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mas mahabang power interruption, nirereklamo na ng ilang mga residente sa Kabacan; mga negosyante umangal na rin; pagtaas sa bill sa kuryente, inalmahan


(Kabacan, North Cotabato/ December 4, 2012) ---Sa kabila ng mas mahabang power interruption na nararanasan ngayon hindi lamang sa bayan ng Kabacan kundi maging sa buong service erya na ng sakop ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco, umaangal ngayon ang ilang mga konsumedures dahil sa imbes na bumaba ang bill sa kuryente mas tumaas pa ito.

Bukod dito, hindi rin umano nasusunod ang schedule ng load curtailment na ipinapatupad ng kooperatiba na siya namang inaangalan ng mga residente.

Ayon sa isang ginang na nakapanayam ng DXVL News, pinoproblema nito ang kawalan ng ilaw kung gabi kungsaan kailangan ang kuryente sa pagluluto.

Kaugnay nito, sinabi ni Cotelco Spokesperson Vincent Lore Baguio sa panayam ng DXVL News na abot na ngayon sa tatlong oras ang ipinapatupad nilang load curtailment ngayong linggo dahil sa lumalalang krisis sa enerhiya sa Mindanao.

Sinabi ng opisyal na 1 at kalahating oras sa araw at 1 at kalahating oras din sa gabi ang ipinapatupad nilang load curtailment sa bawat feeder na sakop ng Cotelco.

Ito dahil sa lumalaking deficiency sa supply ng kuryente.

Maliban sa power interruption nirereklamo pa ng ilang mga konsumedures ng cotelco ang pataas na bayarin sa kuryente sa kabila paman ng mahabang power interruption.

Pahayag naman ng pamunuan ng cotelco na nakadepende naman ito sa per kilowatt hour na consumption ng mga member cconsumers ang lumalabas sa bill ng kuryente, ayon pa kay Baguio. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento