Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit sa 2,000 mga pamilya apektado ngayon ng tubig baha sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ December 7, 2012) ---Sumampa na ngayon sa mahigit sa dalawang libong mga pamilya ang naapektuhan ng pagragasa ng tubig baha sa ilang mga brgy sa bayan ng Kabacan.


Sinabi ni Municipal Social welfare and Development Officer Susan Macalipat na nadagdagan na ang apat na mga brgy kungsaan ang mga pamilyang ito ay nagsilikas na simula pa noong gabi ng Martes dahil sa unti-unting pagtaas ng lebel ng tubig.

Ayon naman kay Information Officer ng Kabacan Incident Command Structure Sarrah Jane Guerrero kabilang sa mga brgy na ito ang Kayaga, Magatos, Pedtad at Nangaan ang nabigyan naman nila kahapon ng relief goods o Family pack kabilang na dito ang 11 mga sitios.

Pansamantalang namang nanunuluyan ngayon sa mga evacuation site ang mga apektadong residente at patuloy naman ang pamimigay ayuda ng LGU at tubig naman mula sa Kabacan Water District.

Lampas tao na rin ang tubig baha kagabi sa Sitio Lumayong.

Posible umanong madadagdagan pa ang mga nabanggit na mga brgy bagama’t mahina pero patuloy naman umano ang pagtaas ng tubig baha sa mga brgy ng Cuyapon, Lower paatan at sa bahagi ng Magastos at sa mga lugar na malapit sa Liguasan Marsh, ayon pa kay Macalipat.

Sa Sitio Malabuaya sa brgy Kayaga naman, pinasok na ng tubig maging ang mga pamamahay, taniman at mga paaralan.

Ang ilang residente naman ng brgy Kayaga ay nasa National Highway umano pansamantalang nanunuluyan, na para sa LGU ay delikado, ayaw umanong umalis ng mga ito dahil sa malayo na sa kanilang tinitirhan.

Samantala sa Datu Montawal sa Maguindanao, nasa National Highway na rin umano ang ilang mga residente maging ang kanilang gamit, ito dahil din sa mataas na lebel ng tubig baha sa kanilang mga lugar. (Rhoderick Beñez)                   


0 comments:

Mag-post ng isang Komento