(North Cotabato/ November 19, 2015) ---Abot sa P2Bilyon
ang naaprubahang Annual proposed budget para sa taong 2016 ng Sangguniang
Panlalawigan ng Cotabato.
Base sa report ng Committee budget and Appropriations ni
1st District Board Member Shirlyn Macasarte ang nasabing pondo ay manggagaling
sa Internal Revenue Allotment o IRA na 1Billion pesos; 218Million pesos mula sa
income galing sa permits and licenses at business income; at tax revenue and
real property tax na 42 Million pesos.
Ayon kay Macasarte mapupunta ang pinakamalaking pondo sa
Personnel services na may 23.22 percent o 811 Million pesos; Capital outlay na
10.23 o 230Million; mga proyekto sa ilalim ng provincial Development fund na
17.50% o 365Million at sa provincial disaster fund na abot sa 103Million; at
ang Aid to Brgy na 3Million pesos.
Ang budgetary proposal ibinaba ni Cotabato Governor
Emmylou Mendoza matapos ang sunod-sunod na mga budget hearing sa iba't ibang
mga ahensya sa ilalim ng Provincial Government.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento