Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang mga Purok Presidents sa Poblacion, Kabacan binigyan ng mga handheld radio ng Alkalde re: security measures

(Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2015) ---Abot sa 18 mga Purok Presidents sa Poblacion ng Kabacan ang binigyan ni Mayor Herlo Guzman Jr. ng mga hand held radio, kahapon kasabay ng ginawang pagpupulong sa mga ito.

Ayon sa alkalde malaking tulong ang nasabing komunikasyon para sa pagbabantay ng seguridad sa Poblacion ng Kabacan.

Pinulong kasi ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP at ni Traffic Management Unit Head Ret. Col. Antonio Peralta ang ilang mag Purok opisyal hinggil sa muling pag-reactivate ng mga guarding system sa Poblacion.


Ang nasabing hakbang ay bilang tugon ng LGU para sa pagpapanatili ng kaayusan sa Poblacion.

Napag-usapan sa nasabing pagpupulong ang mga iba’t-ibang concerns ng mga purok president para sa muling pag-activate ng tanod na magbabantay.

Tinugunan din ng alkalde ang planung ibibigay na Uniform ng BPAT, ang pang-kape sa mga tanod na magbabantay, flash lights at maging ang mga ID’s ng mga ito.

Napag-usapan din ang legalidad sa pagdadala ng baril ng mga tanod na tuwing duty lamang at dapat sa post lamang ng mga ito, batay naman sa consent na ibibigay ng Local Police.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento