Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Gov. Lala Taliño Mendoza, kinondena ang kalunos-lunos na pagpaslang sa 5 mga mag-kakamag-anak sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ November 18, 2015)---Sumampa na sa Lima ang namatay sa nangyaring pamamaril sa magkakamag-anak kabilang ang tatlong bata matapos paulanan ng bala ng mga di-kilalang kalalakihan ang loob ng kanilang bahay sa Purok 1, Barangay Ugalingan sa bayan ng Carmen, North Cotabato noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga napatay na sina Ebrahim Agal, 50; Sara Agal, 9; Pama Agal, 10; Mustafa Agal, 12; at Mohamed Agal, 18.

Naisugod naman si Jerry Liposil, 42 sa isang pagamutan sa Davao city habang sina Nasrudin Agal, 9; at si Maki Agal ay dinala sa Cotabato Provincial Hospital.

Nabatid na ang mga batang biktima ay mag-aaral ng Lumayong High School.

Nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan sina ang isang tatlong taong gulang na bata kasama ang lola nitong si Lipusin Agal, 63-anyos at isang Anida Agal kungsaan ni daplis ng bala o sugat ay di natamaan ang mga ito ng paulanan ng bala ang bahay nila ng mga di pa nakilalang mga armado.

Sa impormasyon mula kay P/Chief Insp. Bernard Tayong, spokesman ng North Cotabato PNP, walang habas na pinagbabaril ang mga biktimang natutulog sa loob ng bahay na malapit sa ilog.

Tadtad ng bala ang bahay ng mga ito na gawa lamang sa light materials, ilan sa mga bala ay tumagos pa sa bahay ng katabing kapit bahay nila, pero wala namang natamaan sa kanilang mga kapitbahay.

Sa pahayag ni Chairman Bong Bacana ng Barangay Kayaga sa bayan ng Kabacan, ang mga biktima ay residente ng Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga at pansamantalang lumipat sa Carmen dahil sa sinasaka nilang bukid.
Miyembro pa umano ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang mga pamilyang nasawi, ayon kay Kapitan Bacana.


Samantala sa kaugnay na balita, agad na kinondena ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Mendoza ang nangyaring pamamaslang sa mga mag-kakamag-anak sa malagim na pamamaril sa kabilang ang tatlong bata matapos pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan sa loob ng kanilang bahay sa Purok 1, Barangay Ugalingan sa bayan ng Carmen, North Cotabato noong Lunes ng gabi.

Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng mga kapulisan ang insidente habang inaalam pa ang motibo sa nasabing krimen.

Narito ang Press Statement of Gov. Lala in the Strafing Incident in Barangay Ugalingan, Carmen and firing in Marbel, Matalam--- The latest strafing incident in Ugalingan, Carmen cause the lives of inmocent civilians.

The Indiscriminate firing in Marbel, matalam cause the cancellation of medical mission. At the same time there's an ongoing refresher course of more than 10,000 Barangay Tanods in 18 Towns to compliment the peace and inorder initiatives of our law enforcers and local government units.

Peace and order is everybody's business so we ask everyone to be vigilant and cooperate with our law enforcers to give justice to the victims and bring to justice the perpetrators.


Samantala nakapanayam naman ng DXVL News ang isa sa mga kamag-anak ng bikitma at sinabi nitong wala naman silang nalaman na may kalaban ang mga biktimang napaslang. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento