Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Empleyado ng COSUSECO, biktima ng pamamaril sa bayan ng Matalam

(Matalam, North Cotabato/ November 17, 2015) ---Sugatan ang isang empleyado ng Cotabato Sugar Central Corporation (Cosuseco) matapos ang isa na namang insidente ng pamamaril ang naganap sa Matalam-Antipas road, Purok Bato, Brgy. Marbel, Matalam, North Cotabato alas 7:20 kahapon ng umaga.

Sa report na nakarating kay PCI Sunny Leoncito, hepe ng Matalam PNP kinilala nito ang biktima na si Ronald Ocampo Aglutay, 28-anyos, may asawa at residente ng Purok Mabuhay ng nasabing barangay.

Batay sa ulat, sakay ang biktima sa isang Honda 110 motorcycle na may license plate MQ 5013 na minamaneho ng kanyang pinsan na si Angelito Aglutay, 35-anyos, kawani din ng nasabing kumpanya at pagdating sa lugar ay pinagbabaril ng mga di pa nakilalang mga suspek.


Ang insidente kungsaan nangyari ang pamamaril ay di kalayuan sa detachment ng Bravo company ng 38th IB, PA.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kanyang kaliwang braso na mabilis namang isinugod sa Babol Hospital para mabigyan ng medikal na atensiyon.

Patuloy pa ngayon ang ginawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nasbaing insidente. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento