Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Socio-cultural group at sports team ng USM, humakot ng parangal sa katatapos na Mindanao Association of State Tertiary Schools Inc. (MASTS)

(Kabacan, North Cotabato/ November 18, 2015) ---Nasungkit ng USM Socio-cultural group ang 1st place habang overall champion ang Western Mindanao State University (WMSU) sa ranking ng Socio-Cultural events na nilahokan ng 29 state universities dito sa Mindanao.

Nag-uwi ng gold medal ang contemporary dance at folk dance. Silver para sa quiz bowl at charcoal rendering. Bronze para sa story telling, instrumental solo at pagsusulat ng sanaysay.

Habang nasa 5th place naman ang hiphop dance, on the spot painting at pagkukwento.

Nasa 6th place naman ang Ms. USM at solo kundiman contest. 7th place sa dagliang talumpati at vocal solo OPM. 10th place ang Mr. USM, 11th place para sa extemporaneous speaking, 12th place sa vocal duet habang nasa 14th place naman ang essay writing.


Sa sport events naman nasungkit ng USM ang 5th place habang 1st place ang Surigao del sur State university (SDSSU). 2nd place ang Bukidnon State University (BUKSU). 3rd place ang Mindanao State University (MSU) at nasa 4th place ang Western Mindanao State University (WSU). JP Fernandez, USM-DevCom Intern

0 comments:

Mag-post ng isang Komento