Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Negosyante, inagawan ng motorsiklo at pinatay!

(Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2015) ---Patay ang isang lalaki sa panibagong insidente ng pamamaril sa bahagi ng Barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 6:30 kagabi.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Danilo Cadot Angeles, nasa hustong gulang at residente ng Carmen, North Cotabato.

Batay sa ulat, sakay ang biktima sa kanyang kulay pulang Honda XR 200 na may license plate 2638 ng pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng armas.


Nagtamo ang biktima ng iba’t-ibang tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Nang makitang bulagta na biktima tumakas ang suspek tangay ang motorsiklo ni Angeles at humarurot sa di malamang direksiyon.

Malaki ang paniniwala ni Cordero na ‘agaw motorsiklo’ ang motibo sa nasabing krimen dahil sa tinangay ng suspek ang sasakyan ng biktima.

Sa ngayon patuloy na tinutugis ng mga kapulisan ang suspek na responsable sa krimen habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento