(Carmen, North Cotabato/ November 17, 2015)
---Abot sa 1,186 na mga botante sa Carmen, North Cotabato ang walang
biometrics.
Ito ayon kay Carmen Election Officer Carmen
Francisco sa panayam ng DXVL News.
Kahapon ay isinagawa ang Election Regulatory
Board na kinabibilangan ng Election Officer ng bayan, Local Civil Registrar at
ng DepEd Supervisor.
Sa ngayon kasi abot sa tatlong libu mahigit
ang mga botante na nakarehistro sa bayan ng Carmen at possible pa itong
mabawasan sakali pang matapos na ang ERB.
Samantala unopposed naman ang Mayor at Vice
Mayor ng bayan ng Carmen.
Walang kalaban sa pagka-alkalde si Mayor
Roger Taliño at maging ang bise alkalde nitong si Moises Arendain.
Kabilang naman sa mga nagfile ng kanilang
kandidatura para sa pagka konsehal sa bayan ng Carmen sina: Alberto River,
Benjamin Patricio Jr., Domino Palanggalan, Delfos Manampan, Justo Seberola Jr.,
Arsenio Colago, Allan Aliudin at Anathy Naquitquitan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento