Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

‘Task Force Kabacan’ muling binuo!

(Kabacan, North Cotabato/ November 17, 2015) ---Sa bisa ng MPOC resolution bilang 2015-08, opisyal ng nabuo ang Task Force: Kabacan bilang  tugon sa tatlong magkakasunod-sunod na panghahagis ng Granada sa ibat-ibang lugar dito sa Barangay Poblacion na lumikha ng takot at pangamba sa taong bayan.

Ang nasabing Task Force ay ang konkretong aksyon ng Local na Pamahalaan ng Kabacan, PNP, AFP at ibat-ibang Law enforcement Agencies upang mabigyan ng agarang solusyon ang nasabing problema.

Sa presentasyong ibinahagi ni Police Senior Inspector Ronnie B. Cordero kahapon sa MPOC, detalyado niyang sinabi ang mga hakbang na gagawin para sa pagbuo ng Task Force Kabacan, kagaya na lamang ng mga logistical and financial needs, mga estrakturang ipapatayo, mga papel na gagampanan ng bawat ahensyang kasali sa Task Force, ang augmentation ng PNP Personnel na magmumula sa Police Provincial Office at ibat-ibang Police Stations sa Cotabato at iba pa.

Kaya naman, inaasahang magkakaroon ng tight security sa Bayan ng Kabacan sa mga susunod na araw.

Ayon naman kay Police Senior Superintendent Alexander Tagum, ang Provincial Director ng PNP Cotabato, ang pagbubuo ng Task Force Kabacan ay isang  “Temporary Relief” lamang at hindi makapagbibigay ng long-term solution sa problema ng Kabacan. Kaya naman, hinikayat niya ang lahat ng mga Barangay Officials at miyembro ng Konseho na magkaisa, tulungang maempower ang ibang miyembro ng komunidad at manindigang sabihin ang katagang, “Tama na, tigilan na po natin ito para na rin sa kinabukasan ng ating mga anak!”

Ibinahagi naman ni Lieutenant Colonel Edralin ang kanyang paghanga sa liderato ni Mayor Herlo P. Guzman, Jr. sapagkat naging model community/municipality sa usaping transportation and security concerns, at ang organizing at empowerment ng lahat ng mga BPATs.

Kaya naman sinabi ng opisyal na sinusuportahan nila ang lahat ng mga activities ng Philippine National Police at ang lahat ng gawain ng LGU Kabacan na pangseguridad.

Sa harap naman ng miyembro ng Konseho, matatag na sinabi ni Mayor Herlo P. Guzman, Jr. ang mga katagang,  “magtulungan tayo dito sa bayan ng Kabacan, ito na ang simula!” – ito ay ang mga katagang empowerment o ang pagpapalawak sa kaalaman at paghihikayat niya sa bawat mamamayan na maging mapagmatyag, maging alerto, sensitibo at responsible sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa pangkalahatang seguridad ng Kabacan.

Kanya ring sinusuportahan ang mensahe ni Provincial Director Tagum, na ang Kapayapaan sa bayan ng Kabacan ay hindi lamang responsibilidad ng PNP, AFP at iba pang force multiplier kundi responsibilidad ito ng bawat Kabakenyos. Sarah Jane Corpuz Guerrero



0 comments:

Mag-post ng isang Komento