Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Daan-daang mga Senior Citizens, nabiyayaan ng ‘Libreng Antipara’ ng Provincial Government

(Kabacan, North Cotabato/ November 24, 2015) ---Abot sa mahigit sa 600 mga Senior Citizens ang nabiyayaan ng ‘Libreng Antipara’ na inihandog ng Provincial Government sa mga matatanda sa bayan ng Kabacan, kanina.

Ayon kay Administrative Assistant David Don Saure ang nasabing aktibidad ay bahagi ng ‘Serbisyong Totoo’ program ni Gov. Lala Taliño Mendoza.

Isinagawa ang nasabing Libreng Antipara sa Municipal Gymnasium.

Laking pasasalamat naman ng mga benepisyaryo ng Libreng Antipara dahil bukod sa libreng reading glass ay libre rin ang konsultasyon sa mga ito.

Aasahan ding dadayo bukas ang nasabing team sa Barangay Tamped, Kabacan, Cotabato at iba pang mga barangay sa lalawigan ng North Cotabato.


Kunektado ka sa mga balita USM DevCom Intern JP FERNANDEZ, DXVL News.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento