(North Cotabato/ November 26, 2015) ---Patay
ang isang kawani ng Pamahalaang Lokal ng bayan ng President Roxas makaraang
pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa Brgy. Labuo ng nabanggit na bayan
mag-aalas 8:00 kaninang umaga.
Kinilala ni PCI Romy Duot Castañares, hepe
ng President Roxas PNP ang biktima na si Antonio Cuaresma Doton, 52-anyos, may
asawa at Municipal Agriculturist 1.
Batay sa ulat sakay ang biktima sa kanyang
Yamaha 125 motorcycle na may license number MC 18371 buhat sa Kidapawan City at
papasok na sa trabaho sa nasabing bayan ng paslangin.
Patay on the spot ang biktima makaraang
magtamo ng tama ng bala mula sa kalibre .45 na pistol sa kanyang dibdib na
tumagos pa sa likod nito.
Tinutugis na ng mga otoridad ang mga
responsable sa nasabing krimen at inaalam ang motibo sa nasabing pamamaril. USM DevCom Intern Nhor Bantas
0 comments:
Mag-post ng isang Komento