Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 Katao, magkahiwalay na na-arestado matapos mahulihan ng di lisensyadong baril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 23, 2015) ---Arestado ang dalawa katao makaraang mahulihan ng di lisensyadong baril sa inilatag na highway check ng Joint Task Force Kabacan sa Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato Biyernes ng umaga.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero Hepe ng Kabacan PNP ang mga suspek na sila Tong Calim Pananggilan, 40 anyos at si Bagonaed Calim Pananggilan 44 anyos at parehong residente ng Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga ng bayang ito.

Ayon kay Task Force Commander Supt. Tom Tuzon nakuha mula sa mga suspek ang kalibre 9mm pistol habang narekober naman kay Bagonaed ang isang bala ng kalibre .45, isang hammer at tatlong pinaniniwalaang parte ng baril na nakalagay pa sa isang sachet ng nescafe.

Samantala, huli din ang isang Esmael Pinde Buat, 25-anyos, magsasaka at residente ng Bergy. Langugan, Carmen, North Cotabato.

Naaresto ang suspek sa checkpoint ng PNP Compac sa Corner ng Sunset at Abellera St., Poblacion, Kabacan pasado alas 6:00 ng gabi noong Sabado.

Nakuha mula sa suspek ang isang kalibre .45 na pistol, magazine at mga bala.

Kasong paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms ang kakaharapin ng mga suspek. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento