(Kabacan, North Cotabato/ November 27, 2015)
---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang suspected bomber na sinasabing
responsable diumano sa pagpatay sa dating bise Alkalde ng bayan ng Kabacan sa
inilatag na ‘One time Big time ng mga kapulisan at militar sa iba’t-ibang mga
lugar sa bayan ng Kabacan kaninang madaling araw.
Kinilala ni P/SSupt. Alexander Tagum ang
Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office ang suspek na si Omar
Sultan alias ‘Menu’ Derby Gani Manok, 35, may asawa at residente ng Brgy. Lower
Paatan, Kabacan, North Cotabato.
Sa panayam ng DXVL News, nakuha mula sa
bahay ng suspek ang 5mm na baril, kalibre .45 na pistola, 1 granada at tatlong
mga carnapped na motosiklo at mga folded foil.
Nahuli din kasama ng suspek ang apat na mga
kasamahan nito na kinilalang sina: Monger Kusain, 25-anyos, kasapi ng BPAT sa
Pagalungan, Maguindanao; Rahib Pilas Inggam, 22-anyos residente ng brgy. Kayaga;
Abu Hajitaib, 34-anyos, residente ng Balong, Pikit at isa pa na di pa nakilala.
Posible umanong suspek si Alias Derby Gani
ng mga panghahagis ng granada at pamomomba sa bayan ng Kabacan at iba pang
lugar sa lalawigan.
Narekober din sa bahay ni Gani ang isang
kalibre .45 na pistola, 9mm pistol na pagmamay-ari ng mga pulis na sina SPO1
Oro at SPO1 Desendario.
Pagkatapos ng operasyon ay inipresinta kay
Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang mga suspek sa isnag pulong pambalitaan.
Sinabi ng alkalde na bahagi ito ng mas
pinaigting na kampanya nito sa peace and order sa bayan ng Kabacan.
Aniya, walang puwang ang mga criminal sa
bayan ng Kabacan.
Napag-alaman mula kay PSI Ronnie Cordero na
walo ang kabuuang nahui nila sa magkakahiwalay na lugar sa isinagawang one time
big time.
Maliban sa Brgy. Lower Paatan hinalughog din
nila ang bahay ni Rex Bacana ‘alias’ toto sa sitio Lumayong, Brgy. Kayaga,
Kabacan at nakuha ang mga baril at bala sa kanya.
Huli din ang isang Bai Lindongan Guiamalod,
nasa tamang edad at residente ng Brgy. Kayaga, Kabacan makaraang makuhanan ng
ipinagbabawal na droga.
Ayon kay Mayor Guzman, magtuloy-tuloy ang
nasabing operasyon upang malinis ang bayan ng Kabacan sa illegal na droga,
kriminalidad at maibalik ang pagyabong ng ekonomiya at pag-unlad ng Kabacan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento