(Mlang, North Cotabato/ November 22, 2015)
---Eksakto isang taon na bukas ang nangyaring pagsabog sa billiard hall ng
Mlang, North Cotabato na ikinamatay ng tatlong katao noong November 23, 2014.
Ayon kay Mlang Mayor Joselito Piñol,
mag-aalay ng panalangin at magtitirik ng kandila ang mga pamilya ng nauliling
Mlang bombing habang hustisya pa rin ang sigaw ng mga ito.
Kabilang sa mga nasawi sa nasabing insidente
ay sina: Rolence John Camiring, Francis Charles Rio at Jade Villarin habang
sugatan naman ang 24 sa nasbaing pagsabog.
Hanggang ngayon patuloy pa ring naghihintay
ang mga pamilya ng mga biktima sa kung anu na ang status ng nasabing kaso.
Ayon sa Task Force Mlang at ng National
Bureau of Investigation (NBI) sa pagkuha nila ng ebedensiya ay naka-buo na sila
ng artist sketches ng mga suspek na responsable sa pagtanim ng nasabing bomba.
Hindi naman kumbinsido ang alkalde sa
development ng nasabing kaso sapagkat usad pagong ang ginagawang imbestigasyon
ng mga otoridad dahil wala pa silang nailabas na konkretong resulta sa
pagresolba ng kaso. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento