Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bagong rules and regulations at mga requirements sa pagkuha ng Driver’s License sa LTO, inilabas na!

(Kabacan, North Cotabato/ November 24, 2015) ---Inilabas na ng Land Transportation Office o LTO ang administrative order sa bagong rules and regulation na ipinaptupad sa pagkuha ng bagong driver’s license.

Ayon, kay Kabacan District LTO Head Ansary Sumpingan kabilang na dito ang pag isyu ng student permit at driver’s license.

Sa pag-isyu ng student permit ang mga sumusunod: kailangang may medical certificate at birth certificate o authenticated certificate na galing sa National Statistics Office.

Sa Non- Professional driver’s license, narito ang mga kwalipikasyon sa pag renew: kailangang ikaw ay 18 years old, physically and mentally fit, marunong magbasa at mag-sulat at holder ng student permit na na-issue for atleast 30 days o isang buwan.

Kabilang naman sa requirements ang mga sumusunod: dapat na renew ang Non- professional Driver’s License at may medical certificate.

Sa foreigners naman, kailangang nasa pilipinas ito for atleast 1 month at manatiling nasa bansa ng 1 taon.

Para sa Professional Driver’s License naman kabilang sa mga kwalipikasayon ang mga sumusunod: kailangang ikaw ay 18 yrs old, physically and mentally fit at holder ng student permit for at least 6 months.


Kailangan din ang card for renewal, medical certificate at clearance  na galing sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).-USM DevCom Intern JP Fernandez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento