Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tulak droga, timbog ng Makilala PNP

(Makilala, North Cotabato/ November 24, 2015) ---Kalaboso ngayon ang isang tulak droga makaraang mahuli ng mga elemento ng Makilala PNP sa bahagi ng National Highway sa Sitio Bagong ng Brgy. San Vicente, Makilala, North Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Makilala PNP ang suspek na si Raffy Suarez Reyes, 38-anyos, may asawa at residente ng ng Brgy. Luna Sur ng nasabing bayan.
Nakuha mula sa suspek ang isang heat sealed transparent sachet na naglalaman ng methamphetamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na ‘shabu’.

Maliban dito, narekober din sa kanya ang isang 500 peso bill na marked money.

Nakuha mula sa suspect ang isang sachet ng shabu, marked money, at drug paraphernalia.        

Si Reyes, ayon pa sa report, ay pampito sa most wanted drug suppliers sa bayan ng Makilala.        

Paniwala ng mga awtoridad na ang mga ibinibentang shabu ng mga nahuling drug supplier ay nanggagaling sa mga bayan ng Kabacan at Matalam sa North Cotabato o di kaya naman ay sa Cotabato City sa Maguindanao.

Sa ngayon kulungan ang bagsak ng suspek habang inihahanda na ang kaosng kakaharapin nito na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002. Rhoderick Beñez
   


0 comments:

Mag-post ng isang Komento