(Kabacan,
North Cotabato/ November 26, 2015) ---Patuloy pa ngayon ang gingawang
imbestigasyon ng mga kapulisan sa kung sinu ang responsable sa pagpalang kay Taya
Jun Talusan Moreno, 53-anyos, may asawa, isang negosyante at residente ng Plang
Village II, Poblacion ng bayang ito.
Ayon
kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP inaalam pa nila ang motibo sa
nasabing krimen.
Matatandaan
na marami ng attempts sa buhay ng biktima matapos na hagisan din ng granada ang
bahay nitong noong Enero a-12, 2015.
Matatandaang
pinagbabaril ang biktimang noong Martes ng hapon dakong alas 4:30 ng hapon.
Samantala,
tuluyan na ring inihatid sa kanyang huling hantungan ang biktima at inilibing
ito batay sa kulturang Muslim sa Brgy. Sanggadong.
Dinaluhan
ng mga kapamilya, kamag-anak at mga kaibigan nito ang paglibing kay Moreno,
kabilang na dito si Poblacion Kapitan Mike Remulta na nagpaabot agad ng kanyang
pakikiramay sa pamilya Moreno.
Ipinaaabot
naman ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang kanilang agarang
pakikiramay sa naiwang pamilya ng biktima.
Sa
ngayon wala pang lead ang mga kapulisan sa motibo sa nasabing krimen. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento