(Kabacan,
North Cotabato/ November 26, 2015) ---Ihahatid na ngayong araw sa kanyang
huling hantungan ang namayapang dating Board of director ng Cotabato electric
Cooperative Kabacan District matapos na binawian na ito ng buhay noong Biyernes
ng gabi.
Pumanaw
sa edad na 64 si Merca Laogan Bao-ay dahil sa iniinda nitong karamdaman na
stage 3 Ovary Cancer.
Alas
7:30 ngayong umaga ay gagawin ang funeral service sa kanilang simbahan sa Brgy.
Bannawag.
Kahapon
din ay nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng cotelco sa pamumuno ni GM
Godofredo Homez, kasama si dating Board Director Samuel Dapon at si Kapitan
Mike Remulta ng Brgy. Poblacion kasama ang mga retirees at mga teacher’s
association ng Kabacan na nagsagawa din ng necrological service kahapon.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento