Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit 400 na mga buntis dumagsa sa “Buntis Congress” sa provincial capitol; blood-letting isinagawa din

AMAS, Kidapawan City (Nov 24) – Dinagsa ng abot sa 400 na mga buntis mula sa iba’t-ibang munisipyo at nag-iisang lungsod sa Lalawigan ng Cotabato ang Provincial “Buntis Congress” sa Provincial Capitol gymnasium kahapon, Nov. 19, 2015.

Ayon kay Cotabato Integrated Provincial Health Office (IPHO) Head Dr. Eva C. Rabaya, ang aktibidad ay bahagi ng Universal Health Care High Impact 5 Hi-Five Hospital na isinusulong ng Dept of Health o DOH kung saan partner ang mga government hospitals tulad ng Cot Provincial Hospital o CPH.

Mismong si DOH 12 Regional Director Dr. Teogenes Baluma ang nagbigay ng mensahe para sa mga buntis patungkol sa aktibidad na naglalayong maging malusog at ligtas ang pagbubuntis ng mga kababaihan o mga nanay.

Ayon kay Dr. Baluma, pinalalakas pa ng DOH ang kampanya para sa mga buntis alinsunod na rin sa Universal Health Care High Impact 5.

Kaugnay nito, nagsagawa ng libreng check-up at laboratory exam ang mga doctors mula sa DOH at CPH para sa mga buntis kabilang rito ang blood pressure, ultrasound pati na lectures at paala-ala para sa mga buntis.

Higit na natuwa ang mga dumalong buntis matapos na mamahagi ng pregnancy kit ang DOH para sa kanila.

Suportado naman ni Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang naturang aktibidad kasabay ang pahayag na kailangang mapanatili ang kaligtasan ng mga nanay at sanggol mula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak.

Naniniwala ang gobernadora na sa pamamagitan ng “Buntis Congress” ay mas maraming ina at sanggol ang maliligtas mula sa mga sakit at kapahamakan.

Nangako rin ang gobernadora na magpapatuloy ang mahusay na ugnayan ng DOH at ng provincial government lalo na sa pagpapatupad ng mga programa para sa kalusugan ng mga mamamayan.

Samantala, abot naman sa 60 na mga miyembro ng Phil. Army at iba pang sektor ang nagbigay ng dugo sa blood letting activity na isinabay sa “Buntis Congress” sa provincial gym.
Layon ng aktibidad na makabigay ng supply ng dugo sa Phil. Red Cross o PRC at magamit ito ng mga nangangailangan.

Ayon kay PRC Cotabato City Chapter Chairman Bai Fatima Sinsuat, mahalaga ang kahalintulad na aktibidad upang matiyak ang maayos at sapat na deposito ng dugo sa mga blood banks at mga pagamutan. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento