AMAS,
Kidapawan City (Nov. 24) – Upang
matulungan ang pamahalaan sa kampanya nito para sa kalusugan ng mamamayan, nais
ngayon ng mga Barangay Nutrition Scholars o BNS sa Lalawigan ng Cotabato na
palakasin pa ito sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at mahusay na
implementasyon ng mga health programs.
Ito ang nagkakaisang pahayag ng BNS
Provincial Federation sa ginanap na 4th Gov Lala Provincial
Federation Congress sa Provincial Captiol Gymnasium nitong Nov. 12-13, 2015.
Layon ng naturang aktibidad na
palakasin pa ang hanay ng mga BNS sa iba’t-ibang bayan at nag-iisang lungsod ng
Kidapawan at mas epektibong magawa ng mga ito ang kanilang tungkulin bilang
front liners ng health service gaya ng mga Barangay Health workers at iba pa.
Ayon kay Gov Emmylou “Lala’ J.
Taliño-Mendoza, patuloy ang suporta ng kanyang administrasyon sa mga BNS dahil
batid niya ang malaking papel ng mga ito sa kalusugan ng mamamayan lalo na ang
mga batang edad 5 taong gulang pababa.
Pinasalamatan naman ng iba pang mga
provincial officials na sina Vice Gov Greg Ipong, Board Members Joemar Cerebo,
Ivy Dalumpines-Balitoc, Loreto Cabaya, Noel Baynosa at Aire Claire Pagal at 3rd
District of Cot Representative Jose “Ping” Tejada ang mga BNS sa lalawigan
dahil sa tapat at buong pusong paglilingkod sa kanilang mga barangay.
Sinabi ng naturang mga opisyal na
hindi magiging mahusay o kapaki-pakinabang ang mga programa at proyektong
pangkalusugan ng pamahalaan kung hindi sa sa mga health workers and volunteers
tulad ng mga BNS.
Maliban naman sa mga lectures at
dagdag kaalaman, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga BNS na palakasin ang
kanilang ugnayan sa naturang congress. (JIMMY
STA. CRUZ-PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento