Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka, patay sa pamamaril sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ November 25, 2015) ---Patay ang isang 48-anyos na magsasaka ng pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek habang nakasakay sa kanyang alagang kalabaw sa bahagi ng Purok 4, Brgy. Tonganon, Carmen, North Cotabato alas 4:30 ng hapon noong Lunes.

Kinilala ni PCI Julius Reovoca Malcontento, hepe ng Carmen PNP ang biktima na si Edison Hornada  Serbito, 48-anyos, may asawa at residente ng Purok 1 ng nabanggit na lugar.

Batay sa ulat, pauwi na ang biktima buhat sa isang rice mill na pagmamay-ari ng isang nagngangalang Romeo habang tinatahak ang Brgy. Road partikular sa taniman ng mais, isang kilometro ang layo mula sa kanilang brgy. Hall ng ito ay pagbabarilin.

Patay noon din ang biktima ng ratratin ng di pa nakilalang suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng armas.

Patuloy pa ngayon ang gingawang imbestigasyon ng mga otoridad sa kung anu ang motibo sa nasabing krimen. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento