(Kabacan, North Cotabato/ August 28, 2013) ---Naisalang na sa
Sangguniang Bayan ng Kabacan ang panukalang pagbibigay ng malinis na tubig
maiinom sa mga mamamayan bilang bahagi ng Millennium Development Goal MDG no.
7.
Batay sa nasabing panukala, iimplementa ng Pamahalaang lokal ang
Memorandum of Agreement o MOA sa pagitan ng programang “Sagana at Ligtas na
tubig sa Lahat Program o SALINTUBIG”.
Kabilang sa mga ahensiya na magpapatupad ng nasabing programa ay
ang Department of Interior and Local Government, Department of Health, Local
Water Utilities administration at ang National Anti-Poverty Commission.
Layon nito na pababain ng 50 porsiento ang populasyon sa bansa na
walang mapagkukunan ng malinis na tubig na maiinom. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento