Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

5 taon simula ngayon, lulubog ang Poblacion, Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 25, 2013) ---Kung hindi maaagapan ang pagguho ng lupa posibleng lulubog ang Poblacion ng Kabacan, limang taon simula ngayon.

Ito ayon kay Councilor Jonathan Tabara, ang may hawak ng committee on agriculture sa Sanggunian batay naman sa serye ng pagsasaliksik na ginawa ng mga eksperto mula sa Liguasan Marsh.

Dahil dito isusulong sa Sangguniang Panlalawigan ni Tabara ang panukalang Inter LGU Cooperation na mag-aalaga ng ating kapaligiran kasama na ang Kabacan river.

Sinabi ng mambabatas na bukod sa Poblacion kabilang sa posibleng lulubog din ay ang brgy. Cuyapon, Kilagasan, Lower Paatan at Magatos.

Kaya naman itutulak nito sa Sanggunian ang polisiyang isasali ang mga kalapit na munisipyo at maging lalawigan na nasasakupan ng Pulangi river sa kanyang nilulutong panukala kabilang na dito ang bayan ng Matalam, Magpet at Arakan.

Sa nasabing panukala dapat ay magtanim ng punong kahoy ang nasa itaas na bahagi ng North Cotabato kagaya ng Arakan at Magpet na mga kahoy kagaya ng rubber na may water holding capacity.

Ginawa ng konsehal ang pahayag sa isinagawang regular na session ng Sanggunian kahapon kasabay ng hiling nito sa mamamayan ng Kabacan na maging responsable sa pagtatapon ng basura. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento