(Kabacan,
North Cotabato/ August 27, 2013) ---Isasagawa sa susunod na buwan ang
‘Kandilimudan’, isang Maguindanaoan term na ang ibig sabihin ay isang
pagtitipon ng mga kabataang manunulat mula sa probinsiya ng North Cotabato.
Ayon kay
North Cotabato College Editors’ Guild of the Philippines chair Allan Biwang,
Jr. editor-in-chief ng Scintilla,
publication ng College of arts and Sciences ng University of Southern Mindanao
ang nasabing pagtitipon ng mga manunulat ay isasailalim ang mga ito sa isang
training para maging ‘catalysts of change’.
Ang
‘Kandilimudan’ ay isang taunang educational festival para sa mga students
writers layon upang linangin ang mga student publications sa iba’t-ibang
larangan upang pag-ibayuhin pa ang galing sa pagsusulat.
Ang nasabing
aktibidad ay nakatakdang gagawin sa unang linggo ng buwan ng Setyembre sa RC
Martinez resort sa Kidapawan city na may temang “Knowing the Signs of our Times and Unleashing the Whys and For
Whom do we Write”.
Ayon kay Biwang, mga campus journalists mula sa iba’t-ibang mga
state universities and colleges sa probinsiya ang dadalo sa annual educational
st students writers’ assembly. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento