Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kasapi ng ‘kamal’ na taga-Kabacan, pinagbabaril

(Kabacan, North Cotabato/ August 26, 2013) ---Pinag-babaril ng riding in tandem assassins ang isang kasapi ng 'kamal' na taga-Kabacan sa hangganan ng bayan ng Pikit, North cotabato at Pagalungan, Maguindanao kaninang madaling araw.

Sa impormasyong nakuha ng DXVL News sa isang pinagkakatiwalaang source sakay umano ang biktima na kinilalang si Datu Saidona Aliman Sr., nasa tamang edad, security ng University of Southern Mindanao sa kanyang kulay pulang Mitsubishi pick-up ng barilin ng mga suspek.

Ayon sa report, nadaplisan umano ng bala sa kamay ang biktima habang tinamaan din ito sa tiyan.
Sakay ng biktima ang pamangkin nitong nakilalang si Hasim Padulo.

Galing umano ang biktima sa Brgy. Batulawan, Pikit ng mangyari ang insedente.

Nabatid na ang biktima ay isang kasapi ng 'kamal', isang Maguindanaoan term bilang ‘negosyador’ sa anumang problema at nag-aayos ng mga ikakasal.

Wala pa ngayong lead ang mga otoridad kung anu ang motibo sa nasabing pamamaril habang agad namang nagkasa ng hot pursuit operation ang Pikit PNP para sa ika-aresto ngmga salarin.

Sa ngayon nag papagaling na ang biktima sa Kidapawan Medical Specialist. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento