(Kidapawan city/August 29, 2013) ---WAGI sa katatapos lamang na RED CROSS
HUMANITARIAN REPORTING AWARDS ngayong taon si Malu Cadelina Manar, ang
chairman ng National Union of Journalists of the Philippines o NUJP Cotabato
chapter.
Si Manar ang host ng
BIDA SPECIALS na isang radio documentary program ng Notre Dame Broadcasting
Corporation o NDBC -- isa sa pinakamalaking radio network sa buong Central
Mindanao.
Si Manar din ang head ng
research at creative team ng NDBC.
Dalawang entry ng BIDA
SPECIALS ang pasok ngayong taon.
First Place sa audio
category ang TUDOK FIRIZ: Meketefu na kwento ng pakikibaka ng mga Teduray na
nakatira sa Hill 224 sa Maguindanao na apektado ng nagdaang giyera sa pagitan
ng tropa ng gubyerno at ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.
Second Place naman sa
pareho ring category ang MGA BAKWIT: TNT o Takbo-ng-Takbo sa
Maguindanao na kwento ng buhay ng mga bakwit mula sa siyam na mga
bayan sa Maguindanao.
Ito na ang ikalawang
pagkakataong nanalo si Manar sa naturang patimpalak.
Noong 2011, nagwagi rin
ito sa kauna-unahang RED CROSS HUMANITARIAN REPORTING AWARDS for radio.
Bilang ‘big winner’ sa
awards, tumanggap si Manar ng isang Apple mini i-Pad, isang mobile power,
Platinum Insurance, at international study sa Southeast Asia.
Wagi naman sa iba pang
mga kategorya sina – Bong Sarmiento ng MindaNews sa online; Stella Estremera ng
Sunstar Davao sa print; Eleazar del Rosario ng GMA-7 sa video/TV; at Jeofrey
Maitem sa photography.
Ang Red Cross
Humanitarian Reporting Awards ay isinusulong ng International Committee of the
Red Cross, sa pakikipagtulungan sa iba pang partner agencies, kabilang na ang
Peace and Conflict Journalism Network, International Safety Institute, Rotary
Club of Manila, Photojournalists Centerof the Philippines, at ang Philippine
Red Cross.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento