(Matalam, North Cotabato/ July 13, 2013) ---Nagkaroon
ng under frequency sa system ng National Grid Corporation of the Philippines o
NGCP, dahilan ng panaka-nakang power interruption.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni Cotabato
Electric Cooperative, Inc. o Cotelco General Manager Godofredo Homez matapos na
nagpatupad sila ng 4megawatts na load curtailment sa ilang service erya ng
Cotelco.
Samantala, iginiit naman ni Homez na ang
normal na supply ng kuryente sa kasalukuyan ay hindi tiyak dahil posibleng
babalik ang rotational brownout sa buwan ng Agosto, ito dahil sa sasailalim sa preventive
maintenance ang ilang mga planta sa Mindanao.
Sa ngayon kasi, nag-ooperate ng maximum
capacity ang Agus at Pulangi Hydro plants dahil walang problema sa supply ng
tubig at malakas ang daloy ng tubig dahil sa panahon ng tag-ulan.
Samantala, may panawagan naman ang opisyal
sa mga member consumer nito na dumalo sa 31st Annual Membership
Meeting na gagawin ngayong a-14 ng linggo sa bayan ng Matalam. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento