(M’lang, North Cotabato/
July 8, 2013) ---Ikinabahala ngayon ng ilang residente ng M’lang, North
Cotabato ang pagtaas ng kaso ng nakawan ng motorsiklo sa kanilang lugar.
Ayon kay M’lang PNP
Chief of Police Senior Inspector Realan Mamon pinapaigting na nila ngayon ang
police visibility sa iba’t-ibang lugar ala-una hanggang alas tres ng madaling
raw.
Ito raw kasi ang oras na
kadalasang umaatake ang mga magnanakaw.
Nanawagan naman si Mamon
sa mga residente na maging mapagmatyag sa kanilang paligid.
Lalo na sa mga taong may
kahinahinalang kilos at ipagbigay alam agad sa kanilang tanggapan.
Matatandaang pitong kaso
ng motorcycle theft ang naitala ng M’lang PNP mula Abril hanggang Hunyo nitong
taon.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento