Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Hanging bridge sa Libungan, N. Cotabato nakatakdang isaayos

(Libungan, North Cotabato/ July 8, 2013) ---Ikinababahala ng ilang residente ng Syphon Purok 3, Barangay Abaga sa Libungan, North Cotabato ang hindi magandang kondisyon ng hanging bridge sa kanilang lugar.

Kaugnay nito, nagsumite na ng resolusyon ang pamahalaang pambarangay upang ipaalam at hilingin ang interbensyon ng First Congressional District Office ni Rep. Jesus Sacdalan ukol dito.


Bilang tugon ay nagsagawa ng inisyal na pagsisiyasat ngayong araw ang tanggapan ng opisyal sa mismong lokasyon ng tulay.

Sinabi rin ni Congressional District Office Infrastructure Focal Person Engr. Jerry Pieldad na gagawa sila ng rekomendasyon kung ano ang nararapat gawin kaugnay sa kasalukuyang kondisyon ng nasabing pasilidad.

Ang natukoy na hanging bridge ay nagsisilbing tawiran ng mga kabataang nag-aaral sa mababang paaralan ng barangay at sa mataas na paaralan ng Libungan.

Ito rin ang pangunahing daanan ng mga residente mula sa sitio sa kabilang bahagi ng Libungan River na tutungo sa pampublikong pamilihan ng bayan. (Roderick Rivera Bautista)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento